Batangas City--Kasabay
ng pagdiriwang ng Coop Month ay binigyang pagkilala ng administrasyon ni
Governor Vilma Santos Recto ang ilang mga ahensya sa Batangas para sa malaking
kontribusyon sa pagpapaunlad ng kooperatiba sa buong lalawigan.
At
sa pangunguna ni Gng. Celia Atienza at ng mga bumubuo sa ProvincialCooperative
Development Office, ginanap noong ika-20 ng Nobyembre ang Cooperative Assembly
and Forum sa Provincial Auditorium kung saan nagtipon-tipon ang libo-libong
miyembro ng iba’t ibang kooperatiba sa Batangas para sa isang araw ng
pagbibigay pugay sa kanilang tulong na naiambag sa probinsya.
Sa
tatlong daang kooperatiba ay natatanging pinapurihan ang Multi-Purpose
Cooperative ng Tuy na tumanggap ng parangal na pinakaaktibong kooperatiba sa
pabahay mula sa National Housing Authority at maging ang Honeybee Products
Multi-Purpose Cooperative na kinilala ng Department of Labor and Employment
bilang National Winner sa Productivity Olympics sa larangan ng Agri-Business
Sector Micro Enterprise.
Kabilang
din sa mga nabigyan ng Gawad Pitak Regional Awards mula sa Land Bank of the
Philippines ang Ibaan Market Vendors Multi-Purpose Cooperative na nanguna sa
non-agricultural category samantalang
ang Buklod Unlad Multi-Purpose Cooperative ng Taysan ang nanguna sa
agricultural category. At bilang Platinum Awardee, tinanggap ng Soro-soro Ibaba
Development Cooperative ang parangal mula sa LBP.
No comments:
Post a Comment