Taaleño


SM Na Tayo !
     Nang mga nagdaang panahon, maraming salita ang kinagawian na, at sa paglipas din ng mga panahon, sa pagbabago ng klase ng pamumuhay, kasama na dito ang maunlad na teknolohiya, nabago na rin ito.
    Nakakatuwa mang ikumpara ngunit ito’y isang akmang halimbawa na nang dahil nga sa bagong nakagawian, bigla na lang nagbago ang pananaw ng mga tao, di lamang sa mga Batangueño, kundi sa lahat na maaring maituring, na kapag may pera at pagkakataon, pagsa-shopping ang aatupagin, ito na nga ang bisyo o hobby palagi.
    Balikan natin ang sinasabi kong kinagawian. Di man ito rumehistro sa mga kabataan ngayon, dahil nga di na nila ito inabot, ngunit nagkaroon nga nang panahon, na sa bawat magkasintahan, dumarating ang pagkakataong sila’y nag-iisip, ipaplano, ano kaya ang magaling na gawin. Di lang sa sila’y nagmamadali, bagkus ang hangaring mapagbuklod agad sila, may balakid man o pangamba.
    Ang tinutukoy ko ay sa salitang SM na tayo, ibig sabihin, Secret Marriage. Sa ibang makakabasa, na ngayo’y mag-asawa na, matutuwa lang na kanilang isipin, dahil sila nga itong mga magsing-irog na nagdaan sa masusing panlalait, pamumula at sa isang heneral na salita, ang maraming tao sa paligid, wari baga’y tutol sa kanilang pagmamahalan. Kaya nga, kapag nasa tamang gulang na, mayroon mang mga balakid sa paligid, SM lang ang tanging solusyon.
     At sa aking pakikipanayam sa isang mahal na kaibigan, sa pagsisiguro na makakuha pa ng ibang bersyon, nakatutuwa ang aking napag-alaman. Kapag sinabi mo raw na SM, lalo na’y sa magsing-irog na naman, ito’y isang lugar sa panandaliang ligaya. Gets mo? Baka hindi mo nakuha, kaya sundan mo ang paliwanag at halimbawa na ito.
     Kwento pa ni kaibigan, minsan daw, kanyang mga kamag-anak na nagbabakasyon at sa pagtitipid, pangalawa’y ayaw maka purwisyo sa kamag-anak sa pagtuloy, kumuha na lang ng isang kwarto sa SM, isang lodging house sa may red district sa lungsod, na di nila alam, ito nga’y puntahan ng mga magkasintahan, ibig magkaroon ng pagkakataong sila’y magkasama at ipadama ang umaalab na pagsinta.
     Sa kinasanayan, maaring sumasangkop sa kabuuan ng karakter ng bawat Pilipino, pero tama yatang mas lalong idiin ang Batangueño, ang magbansag ng akmang salita na sa paglaon ay rerehistro at makakasanayan na. Nariyan ang panunukoy, halibawa: “Ah si Maria, yung magbibibingka”, isa pa, “ah si Uteh, yung nagtitinda ng taho na ang takal, kakaunte” o di kaya’y sa mas maiksing palayaw, si Mario, laking ulo..at marami pang ibang pagbibigay-alyas para sa ganun ay madaling makilala, madaling matandaan. Ibig sabihin, nasanay tayo na may laging kakabit na pangalan upang ang isang tao o lugar ay madaling makabihasnan, matatandaan.
     At yan ang dapat pagtunguhan ng ibig tukuyin at talakayin…sa ngayon, sa makabagong panahon, iba na…ang SM. Naging bukang bibig na yata ng lahat ng tao. Magugulat kayo, kahit batang babago pang natututong magsalita, pag may bibilhing pagkain o bagay, bukang bibig, SM. Sa mga nakatatanda, di lamang sa pamimili ng kaunting bagay, pag ang inasam-asam ay makagala at pahinga, SM na. Wala na tayong magagawa, ang SM ay bahagi na ng buhay Pilipino. Bakit nga kaya?
     Dahil nang sa maraming taon at dekadang lumipas, ginamay at kinapa, pinakiramdaman ang kiliti o minimithi ng lahat ng klase ng tao, upang sa gayo’y maitulak at pumunta sa isang lugar na lahat ay makikita, basta ikaw ay gagasta.
     Di naman ibig sabihi’y malaking gasta, ang mas mahalaga, lahat nandito na. Pero ito ang alamin ninyo, kayong mga kabataan, pinagsimulan ng SM na ito. Lingid sa inyong kaalaman, tulad ng isang lumaking negosyo, itong SM na noo’y Shoemart sa pagkakaalam ko, doon lamang sa Echague, sa Quiapo, opisina nila’y nagsimula, at ang tindahan naman, sa Carriedo.
    Mahabang kwento, ukol sa paglago ng kanilang negosyo, kaya mabuting sabihin, sa paglipas ng panahon, ito’y malaki at maganda na ang inasenso. Kaya naman humantong na, na sa bawat pamilya, ano mang pagkakataon, mamamaraka o gagala, bukang bibig, SM na. Talagang nabago na! Wala na yung dating masamang imahe ng letrang SM, ngayon ang SM ay mall! Isang lugar na sa kalahatan ay ligaya, kahit may gastos ka, sulit pa. Lahat tayo ay sa saksi sa malalaking pagdiriwang sa mga SM branches, lalo’t higit sa Mall of Asia o sa mas kilalang MOA, na sa aking palagay, panibagong kasasanayan na ito. Kahit ano mang gawin ng ibat-ibang pamunuan ng events venue, SM pa rin ang tungo. Bakit? Eh kasi sa kasabihan nga, SM..we got it all for you.
    Ngayon naman, sana ay kung SM na alam mo, pupuntahan, nandun ang mga kailangan , isipin mo rin na di lamang negosyo at tubo ang pangunahing target nito. Alam kaya ninyo na may mga ibang pinagkakaukulan ang pamunuan, sa ibang layunin. Ito ay ang pagsuporta sa mga socio-civic activities, environmental concerns at turismo. Sa nabanggit kong turismo, kamakailan lamang, tulad ng kanilang paglulunsad sa ibang mga branches, na tinampukan ng mga sikat na personalidad, nagdaos din, ang resultang kolaborasyon ng dalawang branches, Lipa at Batangas City, ipinagdiwang ang My City, My SM – The Best of Batangas.
     Bilang mga katangi-tanging icons, pinangunahan nina Manananggol Antonio Acosta Pastor at ang kabigha-bighaning si Kristine Reyes Alzar. Ang proyektong ito ay may layunin, una sa kolaborasyon ng private sector, SM, at mga lokal at panlalawigang pamunuan, na ang hangarin ay mapalawak ang turismo, makikibahagi lahat tayo dito, makikinabang lahat din tayo.
     Maayos at maganda ang naging resulta ng paglulunsad. Tinampukan ng mga kilalang tao sa lipunan, mga opisyales ng pamahalaan, at ipinakita rin ang mga produktong Batangueño.
     SM na tayo, kaakibat, ikaw at ako, sa pag unlad ng turismo, makikinabang lahat ng tao.
*****************************************************
The best of Batangas featured in SM’s 60th year

    Batangas city—This city’s old charm and artistry fused with modern technology showed why Batanguenos’ rich cultural heritage, world-class talent, and abundant natural resources made it the main feature in the celebration of SM Corporation’s 60th year.
     Held at the event area on the ground floor of SM City-Batangas, the celebration featured everything that is uniquely Batangueño on a stage that looked like the terrace of an old Spanish-Filipino colonial house.
    With the Filipiniana theme, the mall entrance was transformed into a cultural venue that showcased popular products balisong, the embroideries of Taal, breads and pastries from Cuenca town, and Barako coffee of Cafe de Lipa.
     The Batangas Province Camera Club’s photo exhibit, which also showcased the best of Batangas in architecture, food, arts, people, talents, natural resources, and historical landmarks, was also a one of the biggest attractions that mallers pored on.
    The program also showed the audio-visual presentation that featured the bests of Batangas –and even exhibited the special and prominent features each various towns and cities.
    Famous Batanguenos such as Vice Governor Mark Leviste, Atty. Antonio Pastor, Bb. Pilipinas International 2002 Kristine Alzar, Alex Maralit of Lipa City Tourism Council, Mayor Prudencio Gutierrez of Padre Garcia, and Councilor Concon Hernandez of Lipa City graced the celebration.
    Filipiniana-themed entertainment productions from Lyceum of Batangas Lahing Batangan Dance Troupe with their vibrant cultural dance and kundiman singer Alex Resurreccion with his operettas made the program uniquely Batangueno. Ressreccion also sang an original composition of National Hero Jose Rizal who happens to have a Lipena, Segunda Katigbak, as his first love.
    My City, My SM’s program highlight was the unraveling of the two grand capiz windows on both sides of the center screen where endorsers Atty. Antonio Pastor for Batangas City and Ms. Kristine Alzar for Lipa City were the banners in a collage of photos on the best of Batangas.
    Kristine Alzar was serenaded by Resurreccion while Atty. Pastor wowed the audience with his Mozart piece on the piano.
     In the celebration of SM Corporation’s 60th year, SM City Batangas and SM City Lipa joined forces in bringing the best of Batangas culture the celebration of this event.

*****************************************************************************

P-Noy para sa Pinoy!
     Maraming mga isyu na dahil sa sabay-sabay dumating ay minsan nga di mo malaman at madesisyunan agad, kung alin ang tama, ano ang akma base na rin sa panahon, kasama na kung anong tama sa panlasa ng masa. Aywan ko baga, kahit alam ko na bukod tanging si P-Noy lamang ang namumutawi sa lahat ng pahayagan, parang nag-uudyok na rin ito na ang aking isulat, siya na rin. Lalo nang naging matigas ang aking plano, nang minsang nagpapaayos ng sasakyan sa Petron-Palanas, narinig kong nag-uusap ang mekanikong si Gerry at ang kaherang si Kristine, na palapit na sa pagtatalo dahil lamang sa tanong na “ano kayang buhay ang mababago sa bagong Pangulo?
     Nagsimula ang lahat nang ang pinakabantog na naging pangulo ng bansa, President Cory Aquino ay yumao. Ang sabi nga nila, ang kanyang paglisan ay dinamdam ng lahat, ngunit may ilan namang di masyadong naapektuhan dahil sila nga ay mga kalaban. Saan man daanin, si Tita Cory pa rin, kasama na ang sinimulan ng pinatay na si Ninoy, ang naging ugat at simbolo ng ating demokrasya.
     Di man si Ma’am Cory naging matagumpay bilang pangulo, may ilang mga pangyayari na nagbukas ng isipan ng maraming mamamayan. Nariyan ang napalawak sa pagiging magandang halimbawa ng pagkatao at mga prinsipyong hindi nakatulak upang mayurakan ang dangal at dignidad nilang nasa pwesto. Wala na yatang maaring maihambing pa. Kahit sa kanilang pamilya, di man maituturing na sobrang linis at huwaran, may mga iskandalong kinasangkutan ng pinakatanyag na anak, si Kris, na halos sumira sa kanilang imahe, pero marahil sa kagandahang pagkatao, respeto pa rin ang nanaig sa mga tao. Ikumpara man sa lahat ng miyembro ng pamilya, si Noy man na kilala na, iba nama’y gustong sa likod lang sila, si Kris lamang ang tanging bumandera sa media.
     Nag-iisang lalaki si Noy Noy, batang naging Mayor, madaling naging senador, ngunit di pa rin kinagat ng madla. Nagmistulang kinilala lamang na anak ni Tita Cory. Ngunit nagbago ang lahat, sa kamatayan at paglisan ng isang mahal, si Tita Cory. Kahit alam at inaasahan, nagimbal pa ring tayong lahat na naulilang bayan, demokrasyang tunay na kanyang nasimulan. Di napigilan ang pagdaloy ng mga luhang nagsasaad ng kalungkutan, sa mga mayayaman, maging sa mahihirap man. Hanggang sa siya’y ihatid sa huling hantungan, di mapigilan ng buong sambayanan na mangulila, sapagkat sila’y nangangamba. Paano na, sino na?
     Lumipas ang mahabang panahon, nailuklok sa pinakamataas na posisyon, mga personalidad na sa marami, di sila yung dapat maging pinuno. At ito na nga, kaakibat pa nga napakaraming iskandalo, lahat ng klase, na lalong nagpataghoy sa bawat Fililipino, na umaasang mayroong sana na pagbabago. Ang masang Filipino, sa pagnanasa at pinangarap na naiibang pamunuan, ito marahil ang nagbigay daan para makita at madama, iisang dugo rin lamang pala at sana, na kailangang ipagpatuloy ang laban, si Noy Noy iyon. Naging mabilis ang mga pangyayari, wala na tayong magawa, siya na nga. Mga kumontra, di na rin nagtagumpay sa planong pagtuligsa, sumakay na rin sa naging daloy ng pagkakataon. At isang araw, bigla na lamang tayong nagising, sigaw na nila, Noy Na, Now Na, wala nang iba!
     Sa kampanya, sa halalan, itong naging resulta, Noy na talaga. Sinubaybayan ng lahat, di pa man pormal na napoproklama, pinutakti na ng media. Inakalang sa bawat suliranin ng bayan, bawat isyu na ang kailangan ay agarang solusyon, dinumog at pinilit na magbigay komento, sa inaasahang siya na nga, magiging magandang halimbawa. Naging mahirap para kay Noy, na halos napilitang maglahad, aksyonan at higit sa lahat, mabilisang malapatan lahat ng problema, sa ikaluluwag ng taong bayan. Inakalang siya si Superman, huwag naman. Sa mga taong napakabit at nasa paligid, nagawang bawat ahensya ng gobyerno, isa isang binusisi, at kanya-kanyang bata, kanya kanyang alaga. Kay Noynoy, kahit ang tingin at inaasahan ng marami, matuwid, malumanay at mapagkumbaba niyang tinutugunan ang mga tanong, din naman talaga siya si Superman, na sa isang iglap ay nagawa na. Sa maraming pagkakataon, nasabi na niya, na tayong mga taong bayan ang tunay na kasagutan, na sa ating pagsasama-sama, ang pangarap at pag-asa’y may kalutasan na. Napansin nyo ba, na sa napakaraming tanong sa kanya, maayos, may kaugnayan at may katuturan. Higit pa sa lahat, bakas palagi ang pagpapakumbaba.
    Dumating na ang araw, saksi ang napakaraming tao, sabihin na rin natin, ang buong mundo, sa pormal na panunumpa sa tungkulin at sa pang wakas ng makasaysayang palatuntunan, ipinakilala at iprinoklama, Pangulo na, pang ika-labing lima. ..P-Noy na!
     Balikan natin ang kabuuan ng talumpati. Una pa lamang, aking pinagmasdan, pinakinggan, parang walang dating, walang golpe de gulat, kung ikukumpara sa mga nakasanayan na, lalo na kay Gloria, na parang aral sa PETA, ang galing at daming drama. Sa simula hanggang sa katapusan, iisang tono sa napakaraming isyus ang kanyang binigyang diin. Sa iba’y sinabi na parang napaka-ordinaryo, sa marami nama’y, oo nga’t ordinaryo ito, ngunit higit na malalim, mas may kabuluhan mga nilalaman nito.
     Sa pambungad, “di ko inakala na darating tayo sa puntong ito…” Tipikal na Filipino. Isinaad ang katotohanang dati, ito lang ay isang pangarap, ngayon, siya’y nahaharap sa pasanin. Sa nasabing siya’y isang mabuting mamamayan, malinaw na kaakibat nito ang pagiging ehemplo, magiging masunurin sa lahat ng alituntunin, na dapat nga lahat tayo maging kasunod na ring ehemplo.
     Sa pamamagitan ng bagong pamumuno sa ibat-ibang ahensya, lalo na sa serbisyo publiko, paiiralin daw ang integridad, katapatan na magtutulak sa ibinanderang slogan, “kung walang corrupt, walang mahirap.” Di kaya ito maging mahirap? Sa maraming administrayong nagdaan, talamak at nakagawian na ang delihensya, may mababago pa ba? May pag-asa pa ba? Kung ito’y sa tao pa rin magsisimula, sa kasabihang kung ang bawat pangaral ay masusundan, kung ang mga taong tinutukoy ay matututong sundan. Binigyang diin din ang kahalagahan ng bawat pamilya. Lumaki silang tinuruan ng kahalagahan ng karangalan at kabaitan. At sa isang dako, ikinatuwa at ikinagulat, di inaasahan, sa layuning tapusin na ang kahangalan ng ibang ”naghahariang di-wang wang sa kalsada, wala na..” Lumaki ang mga mata ng may sala at guilty pa. Bilang na ang araw niyo. Sandaling nagbulungan ang mga tao. Ngayon tahimik na ang mga kalsada. Di na natataranta ang iba, na sa tuwing may convoying mga bida, kasabay ang malakampanang wang wang ng mga sasakyan nila, at lalong pinalala ng mga aroganteng security na animo’y ipinagwawag-wagan na VIP ang daraan. VIP na binihisan at pinapakain ng ating buwis. Di na sila uubra ngayon.
     Humantong sa isang seryosong isyu. Sa inaakala ng iba na may maaareglo pa, tahasan at mariin na sinabi :”there can be no reconciliation without justice!” Ibig sabihin, sinong may pananagutan sa batas, o sa mata ng taong bayan, ay dapat managot lamang.
     Ang talumpati ni P-Noy ang pinaka-mahalagang bahagi ng ating kasaysayan noong Hunyo 30, 2010. Isang paglalahad ng damdamin, isang talumpating napakasimple. Di man ito binigkas niya na napakakalaste, di man ito binudburan ng mga isyung palamuti lamang at walang katunayan, sinasaad ang iisang layunin, na sana’y di lamang siya ang maging sentro ng pananaliksik at panunuri, pamumula at bukod tanging isang taong gagawa ng milagro, bagkus tayong lahat ay mamulat na mayroon tayong kanya-kanyang tungkulin. Isagawa para maging kabalikat at kabahagi. Isigaw at isapuso, P-noy pinili ng mga Pinoy, Pinoy tutulong sa katuparan ng pangarap ni P-noy.
     Ay siya nga pala, sana noong inagurasyon, di na tinambakan ng katakutakot na entertainment. Nabawasan kasi ang pagkapormal o ang sagradong selebrasyon. Pero di mo dapat ipagsimpi o ika-lungkot dahil nabulabog. Likas sa atin na kapag may ipagbubunyi, kapag may ipagdiriwang, kanta at musika. Sa ganitong paraan lamang gagaan ang buong pakiramdam. Higit sa lahat, ito ay kulturang Pinoy.