Wednesday, April 18, 2012

Nasaan ang mga Kaliweteng Grupo sa Isyu ng Scarborough


Sa kalagitnaan ngayon ng Scarborough Stand-off, kung saan ang teritoryo ng Pilipinas nakasalalay, lahat tayong mga Pilipino ay dapat magka-isa para patuloy nating mapangalagaan ang ating territorial interests. Itong territorial interest na ito ang siyang nagbunsod sa mga bayaning gaya nina Rizal, Bonifacio, Aguinaldo at iba pa na labanan ang mga dayuhang mananakop noon.

   Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga Pilipino noon ay sumali sa giyera kontra sa mga Hapon kesehoda ang kalaban ng mga Hapon ay mga Amerikano at hindi tayo. Basta may katunayan na ang intensyon ng isang bansa ay sakupin ang anumang bahagi ng ating bansa, history tells us na mabilis pa sa alas kuatro ang ating mga kababayan sa paglaban kontra mananakop.
* * * * *
   Ngunit may katahimikang nakakabingi sa gitna ng Scarborough Stand Off. Bakit wala sa piktyur ang mga kaliweteng grupo?

   Ultimo ang simpleng pagpalit ng pangalan ng isang paaralan ay dinudumog nila dati pinoprotesta. Pero ngayon kung saan ang integridad ng ating bansa ang nakasalalay bakit nakakabingi ang kanilang katahimikan? Bakit ang maiingay ay biglang nanahimik?

   Ang akala ko ba ay laban ng bayan ang isinusulong ng mga ito?

   Baka naman totoo ang paniniwala ng iilan na sila ay sumasamba na sa dayuhang gobyerno at di sa gobyerno ng Pilipinas?

   Nagtatanong lang po. 

   Sa isang lipunang demokatiko, lahat ng paniniwala ay binibigyan ng puwang na makilahok sa usapan. Ito ang pagkakaiba ng demokrasya sa ibang uri ng pamamahala dahil sa ibang sistema ang boses ng karamihan ay ipinagbabawal.

   Kung kaya’t sa ating lipunan ngayon, kahit yung may paniniwalang masasabi natin na taliwas sa paniniwala ng iba ay hinahayaan ng gobyerno’t binibigyan pa ito ng tinatawag na democratic space kung saan lumalago ang usapan at nabubuo ang partisipasyon ng iba pang mga sector sa pangkalahatang usapan para umusad ang progreso ng ating bansa.

   In short, ang lahat ay binibigyan ng pagkakataon na makiisa sa pambansang usapan at sa pagkabuo ng pagkakaisang nagiging ugat ng isang lahing sumusulong, lumalaban at nangangalaga sa ating pangkalahatang interes. Ito ay nakikita rin sa pagbabago ng pananaw ng mga importanteng sector na napakalaki ng ginagampanang papel sa ating bansa.

   Isa na rito ang ang ating kasundaluhan, kung saan ang rule of law at pambansang pakikiisa sa iba’t-ibang sector ang siyang sentro ng kanilang solusyon sa giyera. Kung dati ang pagkakaalam natin ay divide-and-conquer ang inaatupag nito, ngayon ay unite-and-progress ang kaisipang naghahari sa loob ng sandatahang lakas.

  Pero dahil nga sa kaisipang demokrasya ang ating pinapairal, hindi maiwasan na may mga grupong ang isinusulong na kakaibang kaisipan at kamalayan ay nagkakaroon ng atensyon. Which is not bad, considering that it is a benchmark on how healthy our democracy is.

   Pero ang pag-tolerate sa kanila ay hindi absolute. May hangganan ito. Ayon sa batas ang ipinagbabawal ay kung magsimula na itong maging violent o magsimulang isulong ang kanilang mga paniniwala sa pamamagitan ng illegal means, katulad ng armadong pakikibaka, extortion, kidnapping at iba pang uri ng krimen.

   Kaya nga naging maingay sila dahil yun na lang ang naiiwang sandata ng mga ito para mapansin. Ang tawag natin sa kanila ay The Noisy Few. Kakaunti na nga lang sila, pero nasa demokrasya tayo’t masigasig sila, napapansin sila ng media. Sa bandang akin, walang problema sa usaping ito. Basta huwag lang sila lumabag sa batas.

.

No comments:

Post a Comment