Monday, March 19, 2012

Online


    Isang mainit na pagbati!
   Aba, online na ho tayo!  Ilang taon lang ang nakalilipas, wala sa hinagap namin na darating ang panahong ito na magkakaugnay tayo sa pamamagitan ng cyber space. Pati lenggwahe namin, mukhang nababago rin – nadaragdagan ng mga terminong cyber.
 Nakakatuwa naman -- at kami’y nagpapasalamat --  sapagka’t kami’y umabot sa panahong ito ng mga pag-unlad sa larangan ng information technology.
   Totoo, ang IT ay produkto at nagsimula sa mauunlad at makapangyarihang bansa. Bahagi ito ng iskemang globalisasyon ng US at ng iba pang makapangyarihang nasyon sa mundo.
   At syempre, naririto na rin ito sa mahihirap na bansang may kondisyong mala-pyudal at mala-kolonyal, tulad ng Pilipinas, na ang ekonomiya at pulitika ay nasa ilalim ng impluwensya at kontrol ng  mga higanting multi-nationals na nakabase sa mga mapagsamantalang bansa sa daigdig.
   Kung ginagamit man ito ng mga MNCs para sa kanilang sariling kapakanan, nagagamit din naman ito ng mahihirtap na bansa para sa mabilis at maraming impormasyon.
   Malaking papel ng IT sa nagaganap at tinatawag na “Arab Spring.”  Bagamat may iba’t-ibang dahilan at tinutungo ang kilusan ng mga mamamayan sa panig na ‘yon ng daigdig, mukhang nakatulong ang IT sa mabilis na paglaganap at pag-unlad ng mga ideya na naging pwersang- masa na nagpabagsak sa iba’t ibang uri ng pamamahala. 
   Kung saan pupunta ang tinatakbong ito ng teknolohiya sa bagong panahon, hindi pa natin alam.

No comments:

Post a Comment