Saturday, August 11, 2012

Gov. Vi, PDRRMC nagpadala ng relief goods sa nasalanta ng ulan


Disaster Response and Readiness – Magkabalikat  na kumilos ang miyembro ng Philippine Air Force at Batangas PNP ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council  upang tumugon sa mga nailikas at nasalanta ng malakas na ulan at pagbaha na dulot ng monsoon rain na pinalakas ng hanging habagat.
Lemery, Batangas—Agarang ayuda ang ibinahagi ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council sa bayan ng Lemery nang magpadala ito ng 2,000 bags ng relief goods noong ika-7 hanggang ika-9 ng Agosto para makatulong sa mahigit 2,000 pamilyang binaha ng malakas na ulang dala ng habagat.

Sa bilin ni Gov. Vilma Santos Recto, nagtungo ang isang PDRRMC team ng kapitolyo sa munisipyo ng Lemery upang ihatid ang ipinakeng mga pagkain. 
Ang tulong na ito sa mga mamamayan ng Lemery ay kasunod ng ginawang paglilinis ng Provincial Engineering Office noong ika-8 ng Agosto ng Lemery By-Pass matapos itong mapuno ng buhangin na dala ng baha.

17 barangay ng Lemery ang tinamaan ng baha, na nakaapekto sa 2,183 na pamilya at bahagyang sumira sa mahigit dalawang libong bahay dito.  Ang baybaying bayan ng Lemery ang nagtala ng pinakamaraming nasalantang barangay at pamilya sa buong lalawigan.  
     Umabot sa 2,000 bags ng relief goods ang ibinahagi ng Provincial Disaster Risk Reduction 
Management Council sa bayan ng Lemery, kasama si Mayor Eulalio Alilio at Vice Mayor Honorlito
Solis, noong 
ika-7 hanggang ika-9 ng Agosto para makatulong sa mahigit 2,000 pamilyang binaha 
ng malakas na ulang dala ng habagat. Kasunod ito ng ginawang paglilinis ng Provincial Engineering
Office 
noong ika-8 ng Agosto ng Lemery By-Pass matapos itong mapuno ng buhangin na dala ng baha 
(kaliwang ibaba). 
Tinanggap ang mga relief goods ni Lemery Mayor Eulalio Alilio at Vice Mayor Honorlito Solis mula sa PDRRMC team na pinangunahan ni Dr. Lally Masangkay ng Provincial Health Office, at binubuo ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan ng kapitolyo, Philippine Air Force, PNP Batangas at Red Cross-Batangas. (Capitol PIO)

No comments:

Post a Comment