Sunday, July 8, 2012
Kapatiran ng San Nicolas at Tagatay nilagdaan
San Nicolas, Batangas- Pormal nang nilagdaan ng mga punongbayan ng San Nicolas, Batangas at punong lungsod ng Tagaytay ng lalawigan ng Cavite ang Sisterhood Agreement sa pagitan ng dalawang bayan na direktang nakikinabang sa Lawa ng Taal at karatig na tanawin nito noong ika 2 ng Hullyo.
Ang seremonya ay sinimulan sa harapan ng old taal ruins kung saan sumalubong ang mga pinuno ng bayan ng San Nicolas na pinangunahan ni Mayor Epifanio Sandoval sa mga panauhing opisyal na kinabibilanagan nina Tagaytay City Mayor Abraham Tolentino, San Luis Aurora Mayor at PHISTA National President, Annabelle C. Tangson, Batangas Governor Vilma Santos Recto, Vice Governor Mark Leviste.
Sa ilalim ng Sisteerhood agreement sa pagitan ng San Nicolas at Tagaytay City, magkakaroon ng pagtutulungan ang dalawang local government units sa pagpapayabong ng mga proyektong pangkabuhayan at turismo.
Dahil dito magkakaroon ng malayang pagpapa-abot ng impormasyon sa pagitan ng LGU ng kanilang mga tourism packages. Magiging Bukas ang dalawang bayan sa mga darayong turista mula sa Tagaytay at gunun din sa mga mangagaling sa bayan ng San Nicolas.
Isa sa pinaksikat na destinasyon sa bansa ang Tagaytay dahil sa magandang tanawin nito sa Taal Lake, nais ni Tagaytay Mayor Tolentino na masuklian ang kabutihan na naibigay ng lalawigan partikular ang Taal Volcano sa kaunlaran ng kanyang lungsod.
Bukas naman ang bayan ng San Nicolas na siyang kikilalaning Gate Way to Taal Volcano sa mga turista mula sa bayan ng Tagaytay na nagnanais na magkaroon ng bagong adventure tulad ng Taal Crater Trekking, Taal Lake Floating Restaurant at bird watching sa kanilang Bird sanctuary.
Sa pagkakaisa ng dalawang bayan Sinabi ni Governor Santos Recto na mahalagang hakabang ito para sa turismo sa lalawigan na siya rin isa sa mga pangunahing pinagkukuna kabuhayan sa lalawigan. At dahil sa sisterhood agreement na ito, inaasahan na dadami ang bilang ng mga bibisita sa Taal Lake at karatig bayan .
Dagdag nito na agaran niyang ilalabas ang direktiba ng mabilisang pagpapatupad ng mga infrastraucture project tulad ng road network sa paligid ng lawa at ilang mga government facilities na makakatulong di lamang sa mga turista kungdi pati na rin sa mga mamamayang Batangueno. (Capitol PIO)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment